Inquirer:
Ask lang po ako regarding dun sa sinasabing high and low risk investments…medyo puzzling sa akin ang mga ito.pwede po ba paki explain both ksi parang natatakot akong mag invest sa mga mutual funds dahil nga baka malugi ako later on…please shed me some light on these…thanks and godspeed
Guita of Colayco Foundation
Una sa lahat, ano ba ang ‘RISK’? Risk is the possibility of not getting what you were expecting.
Halimbawa, inaasahan mo na ang inilagak mong Php1000 ay lalago ng 20% (o kikita ng Php200) sa isang taon. Ang risko ay yung pagkakataon na hindi mo matamo ung Php200 na kita na inaasahan o kaya ay hindi mo ito makuha sa loob ng isang taon.
MAHALAGA ANG RISKO SA PAGPAPALAGO – hindi ito puwedeng iwasan, subalit puwede itong pamahalaan.
May tatlong napakahalang katotohanan sa pagpapalago:
1. DIRECT RELATIONSHIP OF RISK AND RETURN: The higher the risk, the higher the potential return (o pita). The lower the risk, the lower the potential return.
2. INDIRECT RELATIONSHIP OF RISK AND TIME: If you have a long time horizon (mahaba panahon), you risk decreases (bumababa ang risko)…if you have a short time horizon (maiksi ang pantheon) the risk is higher.
3. ACCEPT RISK IF YOU WANT TO GROW YOUR MONEY: Kailangan tanggapin na may risko sa pagpapalago at matuto ng mga stratehiya kung paano ito pamahalaan upang hindi sugal ang kalabasan ng ating pagpapalago.
Kaya pagsinabing high risk – malaki ang chance na hindi mo makuha ang iyong inaasahan, pay low risk naman, mababa ang chance na hindi mo makuha ang inaasahan.
Ang mutual funds ay medium risk investment (sa gitna ng low at high). Sa Colayco Foundation inaanyayahan naming ang karaniwang Pilipino na makilahok sa mutual funds dahil sa magandang returns nito sa riskong namamahalaan. Kung magiinvest sa mutual fund, kailangan handa kang iiwan ito na nakainvest ng 3 hanggang 5 taon (sa ganitong paraan mapapamahalaan mo ang risko). At huwag magpanic kung bumababa ang halaga ng investment ng dahil sa pangdaigdigang or pambansang economic trouble – lugi ka lang pagnilabas mo ang pera mo pagmababa ang halaga nito, pero habang nasa investment ito paper loss lang iyon.
Mas maiging dumalo ka sa susunod naming workshop na gaganapin sa Mandaluyong City (along Shaw Blvd.)
July 27 (Friday), 1-5pm Pera Mo Palaguin Mo Workshop
Aug 4 (Saturday), 1-5pm Pera Mo Palaguin Mo Workshop
SMS 0917 808 8857 for more information and to check if you qualify for BIG discounts!
Dito mas maliliwanagan ka tungkol sa pamamahala sa risko, pati na rin tungkol sa mutual funds at iba pang mga available na investment instruments.
_____________________________
Discover your options for taking hold of your personal finances, growing out of debt, and building wealth through Colayco Foundation’s publications and training.
Other Seminars by Colayco Foundation
Sept 1 (Saturday), 9am-12nn InvestAbility: Stock Market
Sept 1 (Saturday), 2-5pm InvestEd: Analyzing Stocks
SMS 0917 808 8857 for more information and to check if you qualify for BIG discounts!